May 25, 2012
Uy guys! Youth Camp na namin mamaya! Wooohooo! Alam niyo bang excited na excited na ko? Pero andito pa`rin ako sa bahay at tina-type ang blogpost na `to. (in fact, di pa ko nage-empake XD)
Kwento ko lang `yung nangyari kanina, nung confession namin sa Our Lady of Most Holy Rosary Parish. Ang great lang ni God guys promise. Kasi nakatulog na ko kagabi, (I mean, kaninang umaga) mga 2 AM na kasi nabibitin ako kababasa ng Wedding Bell Blues. Lagi na lang after isang chapter, bitin na bitin ako kaya itinutuloy ko. Ang una ko ngang plano eh hanggang Chapter 10 lang babasahin ko kasi gabi (alas dose ng gabi `te) at maaga pa para bukas kasi Confession nga. Tapos ayun, eh di nung alas-dos na sabi ko tigilan ko na `to kasi hindi pwedeng hindi ako matulog. So, at 2 AM, tulog time na ko. Pero sa sobrang galing ni Lord, ginising niya ko nang 5 AM! Grabe, wala akong phone for alarm nun, basta naalimpungatan ako tas tiningnan ko sa bintana. Ang reaksyon ko nga nun eh:
“Hala tae, umaga na!”
Tas tingin agad sa relo ko sa tabi ng unan ko. Shoot, 5 Am pa lang. Grabe, as in SUPER THANK YOU LORD `yung reaction ko. Tas ayun, ginising ko na si Jelma, tas bihis bihis din. Haha. Kinatok ko na `rin `yung kwarto nila mama para magising na `rin sila.
So ayun, putulin ko muna kwento ko ha? Saka ko na kwento `yung iba pagbalik namin sa Linggo.
Take Care! :D


